Positibo sa COVID-19 ang walong close contact ng isa sa dalawang kaso ng Delta variant sa Bacoor, Cavite.
Ayon kay Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla, pawang mga miyembro ng pamilya ang posibleng nahawa ng Delta variant carrier sa Addas 2C Village sa Barangay Molino 2.
Bilang aksyon, pinalawig ang lockdown sa naturang subdivision hanggang Agosto 7.
Isasailalim din sa antigen test ang mga kapitbahay sa kaparehong block ng pamilya.
Samantala, negatibo naman ang limang close contact ng isa pang Delta carrier sa El Grande Subdivision sa Barangay Molino 6.
Ngunit tatapusin pa rin nila ang quarantine ng dalawang linggo.