Nagpositibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide ang ilang coastal waters sa bansa.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nakataas ang red tide alert sa coastal waters ng Milagros, Masbate; Panay, President Roxas, at Pilar, Capiz; Dauis, at Tagbilaran City, Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Lahat ng uri ng shellfish at acetes o alamang na magmumula sa mga nabanggit na lugar ay hindi ligtas kainin.
Gayunman, sinabi ng BFAR namang ligtas kainin ang mga isda, hipon, at alimango basta’t sariwa ang mga ito, nahugasang maigi, at natanggalan ng mga lamang loob bago lutuin.