Naaresto ng mga otoridad ang 8 katao na sangkot sa iligal na pagbebenta ng motor at mga armas sa Pasay City.
Ayon sa National Capital Region Police Office o NCRPO, nagsagawa sila ng tatlong magkakaibang operasyon para malambat ang mga suspek.
Nakuha sa mga suspek ang ilang sasakyan, pekeng dokumento at mga bala at baril.
Sumailalim na sa inquest proceedings ang mga suspek.—sa panulat ni Rex Espiritu