Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na walong detainee sa Davao City Jail male dormitory ang nagpositibo sa COVID-19 at isa rito ang pumanaw na.
Batay sa impormasyon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) 11, ang nasawing pasyente ay nadala pa sa Southern Philippines Medical Center matapos mahirapang huminga.
Dito siya na-diagnose na mayroong pulmonary congestion secondary to end stage renal failure hanggang sa binawian na ito ng buhay nuong November 19 at lumabas na tinamaan na rin ito ng COVID-19.
Nabatid rin na bago pa man siya na-ospital ay inihiwalay na siya sa iba pang nakapiit dahil kabilang umano siya sa itinuturing na vulnerable group.
Patuloy naman naka-quarantine ang pito pang inmate na positibo sa COVID-19.
Kaugnay nito, nagsagawa na ng health monitoring, screening at contact tracing ang jail nurses sa iba pang mga naging close contact ng mga nagpositibong inmate.