Madadagdagan na simula sa Oktubre ang pitong numerong telephone number ng mga subscriber ng PLDT sa Metro Manila at karatig lalawigan.
Ipinabatid ito ng PLDT bilang pagtalima sa utos ng NTC o National Telecommunications Commission na gawing 8 digit ang landline numbers.
Sinabi ng PLDT na applicable ito sa mga lugar na mayroong area code na 02 kasama na ang Metro Manila, Rizal, San Pedro sa Laguna at Bacoor, Cavite.
Kailangan lang dagdagan ng number 8 ang unahan ng kasalukuyang telephone number o ang numerong 124 – 4567 ay magiging 81234567 na sa Oktubre 6 ng 12:01 ng madaling araw.
Subalit, kung sa probinsya, ang tatawag ay kailangan pa ring idagdag sa unahan ng telephone number ang 02.