Bumiyahe na patungong Los Angeles sa Amerika si 8-division world champion at Senador Manny Pacquiao bilang bahagi ng kanyang training para sa laban kay Jessie Vargas.
Dakong alas-9:00 kagabi nang sumakay ang si Pacquiao kasama ang kanyang asawang si Jinkee at ang Team Pacquiao sa pangunguna ni Coach Freddie roach ng Philippine Airlines flight.
Sa huling bahagi ng ensayo sa Pilipinas, ipinasara ni Roach ang mga pinto ng Elorde Gym malapit sa Mall of Asia, Pasay City.
Ito’y upang matiyak na masusulit ni Pacman ang huling workout niya sa Pilipinas kabilang ang 10 round ng sparring bago tumulak ng Estados Unidos.
Nais din masiguro ni Coach Freddie na hindi na tatamaan ng anumang sakit ang pambansang kamao na kamakailan ay natrangkaso.
Lalarga ang bakbakang Pacquiao-Vargas para sa WBO welterweight title sa Thomas and Mack Center, sa Nevada, sa Nobyembre 6, 2016.
By Drew Nacino