Magbabalik na sa PBA si 8 Division World Champion at Senador Manny Pacquiao.
Kinumpirma ni Mahindra Floodbuster Coach Chris Gavina na ni-reactivate si Pacquiao kapalit ni Ryan Araña upang maglaro kontra Alaska Aces sa All Filipino Cup, mamaya.
Bagaman miyembro pa rin si Pacman ng Mahindra bilang reserve player, hindi naman ito nakasipot sa mga practice game dahil sa pagiging sobrang abala bilang mambabatas at boksinger.
Makatutulong anya ang bilis at kakayahan ng Pambansang Kamao sa hardcourt upang makahabol ang floodbuster na kasalukuyang nasa bottom four sa record na 2-6 at nanganganib na ma-eliminate.
By: Drew Nacino