Inanunsyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na walong pelikula ang nakapasok sa opisyal na entry sa ika-walong Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ang walong pelikulang napili mulka sa mahigit 20 ay ang:
- “Labyu with an Accent” na pagbibidahan nina Coco Martin and Jodi Sta. Maria
- “Nanahimik ang Gabi” kasama sina Ian Veneracion and Heaven Peralejo
- “Partners in Crime” na gagampanan nina Vice Ganda and IVANA ALAWI
- “My Teacher” tampok sina Toni Gonzaga and Joey de Leon
- “Deleter” na pinagbibidahan ni Nadine Lustre
- “Family Matters” tampok sina Noel Trinidad at Liza Lorena
- “Mamasapano: Now It Can Be Told” kasama sina Edu Manzano, Aljur Abrenica at JC de Vera
- “My father, Myself” na gagampanan nina Jake Cuenca at Dimples Romana
Sa ilalim ng temang “Balik Saya sa MMFF 2022,” hinimok ng MMDA at MMFF concurrent acting Chairman Engineer Carlo Dimayuga III ang mga moviegoers na suportahan ang programa na ilang taon nang bahagi ng christmas tradition ng mga Pilipino. Magsisimula ito mula December 25 hanggang January 7, 2023. – sa panulat ni Hannah Oledan