Arestado ang walong residente sa Binondo sa Maynila, dahil sa pagiging ‘flying voters’ o yung may doble o higit pang registration para sa Halalan 2022.
Ayon kay Police Major Philipp Ines, tagapagsalita ng Manila Police District, noong 2016 pa nagawa ang krimen at 2018 lumabas ang arrest warrants.
Pero hindi dumadalo ang mga ito sa pagdinig at hindi rin nahuli sa loob ng apat na taon.
Kinilala ang walo na sina; Mikko Tero, Miraluna Abelay, Gerald Evangelista, Philip Regodo, Crystal Rapel, Stella Pinohon, Villa Regodo, at Jomar Rasonabe.
Bagama’t hiwa-hiwalay ang isinampang warrant, magkakasamang naaresto ang walo sa san Marcelino Street sa Maynila.
Mahaharap ang mga ito sa kasong kriminal at pagkakakulong ng isa hanggang anim na taon.