Aminado ang National Capital Region Police Office o NCRPO na may pagtaas na ng mga naitatalang krimen sa NCR mula nang isailalim ito ng Pamahalaan sa mas maluwag na Alert Level 1.
Ito’y ayon kay NCRPO Director, P/MGen. Felipe Natividad ay kaya’t kaniyang inatasan ang lahat ng mga Distritct at City Unit Commanders na paigtingin pa ang police visibility sa kanilang area of responsibility.
Bagaman ikinabahala ni Natividad ang posibleng pagtaas pa ng mga naitatalang krimen sa Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 1, tiniyak niyang maaagapan agad ito ng kanilang hanay.
Batay sa datos ng NCRPO mula Marso a-2 hanggang a-13, Theft o Pagnanakaw ang nangungunang krimen sa NCR na may 76.
Sinundan ito ng Robbery na may 44, Physical Injuries na may 32, Rape na may 22, pagnanakaw ng motorsiklo na may 18, Murder na may 5, Homicide at Carnapping na may tig-4 at Special Complex crimes na 1. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)