Walong foreign banks ang nagpakita ng interes na pumasok sa Pilipinas.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP Governor Nestor Espenilla, ang naturang mga dayuhang bangko ay mula sa Asya na posibleng magtayo ng kanilang bangko o kaya ay makipag-partner sa mga lokal na bangko dito sa Pilipinas.
Sinabi ni Espenilla na bawat bangko ay inaasahang magdadala ng tinatayang tatlong (3) bilyong piso.
Kapag nagkataon, inaasahang makapagpapalakas pamumuhunan at at madaragdagan din ang trabaho sa bansa.
By Ralph Obina
8 foreign banks interesadong pumasok sa Pilipinas was last modified: May 27th, 2017 by DWIZ 882