Kumpyansa ang NEDA o National Economic Development Authority na maabot ng gobyerno ang target nito na pito hanggang walong porsyentong paglago ng GDP o Gross Domestic Product.
Sinabi ni Pernia na “achievable” ang nasabing target sa tulong na rin ng kooperasyon ng ilang sektor ng bansa.
Ayon kay Pernia , isa sa pagtutuunan nila ng pansin ay ang turismo ng bansa dahil sa napakaraming potensyal na ‘tourist destination’ sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan.
Una nang ipinagmalaki ng NEDA na lumago ang ekonomiya ng bansa ng 6.6 percent sa huling tatlong buwan ng 2017 at nanatili itong ‘fastest growing economy’ sa Asya kasunod ng China at Vietnam.