Sinibak ng Office of the Ombudsman ang 8 empleyado ng gobyerno dahil sa pagbili ng mga expired at overpriced na gamot.
Ang mga sinibak ay pawang empleyado sa munisipyo ng Molave Zamboanga del Sur at pawang mga miyembro ng Bids and Awards Committee ng lokal na pamahalaan.
Ginawang batayan sa desisyon ng Ombudsman ang report ng Commission on Audit na overpriced ng 152 hanggang 836 percent ang mga biniling gamot ng Molave Bac noong 2008.
Napatunayan rin na walang nangyaring public bidding at nabigo rin ang Molave Bac na magsagawa ng eligibility check sa mga suppliers.
Dahil dito, kanselado na ang eligibility at retirement benefits nina Gasmelba Felicitas, Marcos Bahinting, Melita delos Santos, Nikki Omboy, Jerry Gene delos Santos at Lina Lou Gitalan.
By Len Aguirre