Isu-subpoena ng NBI ang walong ospital na nagpe-presyo ng mataas sa mga gamot ng COVID-19 patients.
Ayon kay nbi special action unit executive officer Kristine Dela Cruz ilang pasyente na ang nagsumbong sa kanila kaugnay sa pagcha-charge ng P14,000 hanggang P15,000 sa kada vial ng remdesivir bukod pa sa paghingi ng malaking halaga ng deposit bago umano gamutin ang isang pasyente.
Ipinabatid ni Dela Cruz na nasa P1,500 hanggang P8,200 ang halaga ng kada gamot tulad ng remdesivir batay sa emergency essential medicines due to covid health event na ipinalabas ng DOH.
Hindi naman tinukoy ni Dela Cruz kung anu-anong mga ospital ito ang maaaring makasuhan maging ng paglabag sa anti hospital deposit law.