Arestado ang walong Israeli at 482 Pinoy sa Pampanga matapos masangkot umano sa online investment scam na nagkakahalaga ng Dalawang Milyong Dolyar.
Ayon sa kay PNP-Anti-Cybercrime group Head Chief Supt. Marni Marcos Jr., nagsagawa ang kanilang hanay ng operasyon sa tatlong departamento ng International Brandings Development Marketing, Inc., sa Clark Freeport Zone matapos magreklamo ang apat na Australiano na kanilang nabiktima.
Sinabi ni Marcos, na ang modus ng naturang online scam ay kumbinsihin ang kanilang target na isang Bitcoin ang kanilang pinapasok kung saan maaaring tumubo ng malaki ang kanilang i-iinvest na pera.
Sa oras umano na mahikayat ng sumali ang biktima ay may pasasagutan na isang form kung saan dito malalaman ng suspek ang kanilang personal information upang kanilang makontrol na ng tuluyan ang kanilang account.
Mahaharap sa syndicated estafa ang mga nadakip na dayuhan at Pilipino, kasalukuyan namang inaalam pa ng PNP sa Bureau of Immigration kung paano nakapasok sa bansa ang walong banyaga.