Papalo sa 5 katao ang patay habang isa ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa lungsod ng toronto sa Canada.
Namatay din ang suspek matapos makipagpalitan ng putok sa mga otoridad.
Nangyari ang insidente sa isang apartment building sa nasabing bansa.
Agad namang dinala sa pinakamalapit na ospital ang nasugatan na indibidwal.
Samantala, iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo at kung may koneksyon ang biktima sa lalaking suspek na hindi naman pinangalanan ng mga otoridad.