Dumanas ng minor adverse events o side effect ang walong naturukan ng Sputnik V COVID-19 vaccine na gawa sa Russia batay sa ulat ng Department of Health (DOH).
Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi naman seryoso o malala ang mga naranasang side effects ng walong nabakunahan at nakauwi rin kaagad ang mga ito.
Salaysay ni Vergeire kabilang sa mga naranasan ng walong nabakunahan ay sakit ng katawan, sakit sa bahagi ng katawan kung saan tinurukan, pamamantal,sakit ng likod, sakit ng ulo,pagkahilo at pagtaas ng blood pressure.
Samantala, makakatanggap naman ng ikalawang dose ng bakuna ang mga nabakunahan ng unang dose makalipas ang 21 araw matapos mabakunahan.