Walo katao pa ang nawawala sa nangyaring malawakang landslide sa gilid ng Swiss Alps, na nakasira sa mga gusali at dahilan nang forced evacuation ng isang village.
Makakapal na putik, bato at dumi ang dumaloy pababa ng Piz Cengalo Mountain na bahagi ng Bondo Village matapos sa Italian border.
Tinatayang 100 katao ang ini-evacuate at ilan sa mga ito ay ini-airlift pa ng helicopters.
Kinumpirma ng mga otoridad na walong hiker mula sa Germany, Austria at Switzerland ang nasa rehiyon ng Val Bondasca kung saan nangyari ang landslide at idineklarang nawawala.