Aabot sa walong katao ang kumpirmadong nasawi sa nangyaring landslide sa Island of Ischia, sa Italy.
Ayon kay Infrastructure Minister at Deputy Prime Minister Matteo Salvini, resulta ito ng matinding sama ng panahon o malalakas na pag-ulan na kanilang naranasan doon.
Maliban sa walong binawian ng buhay, 13 pang katao ang patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.
Kabilang sa mga idineklarang Missing ang isang mag-asawa at kanilang bagong silang na sanggol na pawang naninirahan malapit sa lugar na pinagsimulan ng landslide.