Nasawi ang walo katao matapos sagasaan ng isang kotse sa Uttar Pradesh, India.
Nangyari ang insidente sa Lakhimpu Kheri District kung saan sinagasaan ng convoy ng mga sasakyan ni Junior Home Affairs Minister Ajay Mishra Teni angmga magsasakang nagsasagawa ng kilos protesta.
Mula Setyembre 25 ay nagsagawa na ng protesta ang mga magsasaka kung saan tinututulan nila ang bagong batas na bibilhin sa murang halaga ang kanilang mga pananim.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico