Kinilala na ang walong binawian ng buhay matapos tangayin ng rumaragasang tubig sa ilog ang sinasakyang jeep sa barangay Sta. Ines, Tanay Rizal kahapon ng gabi.
Batay sa Rizal Provincial Police Office (PPO) ang mga nasawi ay sina Teresita Quinto, Maylard Keith Fernandez, Leonida Doroteo, Salvacion Delgado, Carmen Dela Cruz, Esmena Doroteo, Avelino Buera at Teodora Buera habang pinaghahanap ang driver ng jeep na kinilalang si Jun Pio Domayik Jr. patuloy namang nagpapagaling sa ospital ang asawa ng jeepney driver.
Ayon sa Tanay, Rizal Municipal Disaster Risk Reducton Management Office (MDRRMO) chief na si Norberto Francisco Matienzo Jr. mahigit 25 pasahero ang nakasakay sa pampasaherong jeep bago maganap ang aksidente.
Batay sa nakasaksi, nagpabatak ang naturang jeep sa kapwa jeep matapos mabalahaw ngunit sa kasamaang palad nagkaroon ng flash flood at biglang tumagilid kung kaya’t dahilan ng pagkatangay nito.
Samantala, nagtungo umano sa bayan ang mga biktima para humingi ng tulong-pinansyal sa gobyerno at bumili ng mga personal na gamit habang dinala na sa covered court ng barangay Sta. Ines ang mga labi ng mga biktima. —mula sa panulat ni Maiza Aliño-Dayundayon