Sugatan ang 8 katao sa pagsabog ng granada sa isang restaurant sa Malaysia.
Ayon kay State Deputy Police Chief Abdul Rahim Jaafar, hinagisan ng granada ang movida restaurant sa puchong district.
Gayunman, inalis na ng mga awtoridad ang anggulong terorismo sa naturang pagpapasabog.
Hinihinalang pagganti o may kinalaman sa negosyo ang motibo sa naturang karahasan.
By Ralph Obina
Photo Credit: Sumisha Naidu