Walong katao ang biktima ng pamamaril sa train station sa Philadelphia.
Isa sa mga biktima ang nasa kritikal ang kondisyon habang ang pito ay nasa mabuti nang kalagayan.
Tinatayang nasa edad 17 hanggang 71 anyos ang mga naging biktima sa nasabing insidente.
Isa katao naman ang nasa kustodiya na ng mga otoridad kung saan dalawang armas ang narekober dito.
Ayon kasi sa mga testigo sa insidente mahigit sa dalawa katao ang sangkot sa pamamaril.