Walong komunidad sa Tanauan, Leyte ang isinailalim sa lockdown upang maiwasan ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isang executive order na nilagdaan ni Mayor Pelagio Tecson Jr., inilagay sa mahigpit na “movement restrictions” ang mga barangay ng Licod, Camire, Zone 1 sa San Roque, Zones 5 at 6 sa Sta. Elena, GK Peninsula relocation site sa Maribi, at Zone 4 sa Cahumayhumayan.
Ayon kay Tecson, natukoy na nila ang mga nakasalamuha ng ilang mga COVID-19 positives at naka-quarantine na ang mga ito.
Paliwanag ng alkalde, kailangang ikasa ang lockdown sa mga naturang lugar upang mapabilis ang isasagawang testing at contact tracing activities.