Arestado ang walong lalaki matapos mahuli sa aktong kinakatay ang 15 pawikan sa Sulu.
Kabilang sa mga kinatay ay ang isang hawksbill sea turtle na kasalukuyang critically endangered.
Nakatakda umanong ibenta ng grupo ang mga kinatay na pawikan sa Chinese buyer sa pagitan ng Taw-Tawi at Palawan.
Nakumpiska rin mula sa grupo ang limang motorized banca at ilang kagamitan sa panghuhuli ng pawikan.
Samantala, nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act. —sa panulat ni Hannah Oledan