Walong (8) lalawigan sa rehiyon ng Visayas ang isinailalim sa red tide alert ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.
Bunsod ito ng pabagu-bagong klima na siyang nakaaapekto sa temperatura ng karagatan.
Ilan sa mga apektado ay ang mga karagatang sakop ng Roxas City, Pilar gayundin ng Sapian Bay sa Capiz.
Altavas, Batan at New Washington sa Aklan; Dauis sa Bohol; Gigantes Island sa Iloilo at Mati City sa Davao Oriental.
Kasama rin sa mga apektado ang karagatang sakop ng Western Samar, Leyte at BIliran.
Dahil dito, inabisuhan ng BFAR ang publiko na bawal ang panghuhuli, pagbebenta at pagkain ng mga shellfish subalit, ligtas namang kainin ang iba pang yamang dagat tulad ng isda, hipon at pusit mula sa mga nasabing lugar.
Ito na ang pinakamatinding epekto ng red tide sa Visayas sa loob ng tatlong dekada mula noong 1983.
By Jaymark Dagala