Tinatayang 8 lugar sa bansa ang kabilang sa listahan ng hotspots o may mataas na bilang ng COVID-19 sa nakalipas na 2 linggo batay sa Octa Research.
Kinabibilangan ito ng Metro Manila, Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Bulacan, Negros Occidental at Iloilo.
Dahil dito, hinikayat ng mga eksperto ang gobyerno na ikunsidera ang pagpapatupad muli ng mahigpit na quarantine classification o pagpapatupad ng localized lockdowns partikular sa Bauan Batangas, Calbayog sa Western Samar At General Trias, Cavite.
Inirekomenda rin ng mga eksperto ang pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine classification sa mga lugar na limitado lang ang kapasidad ng mga pagamutan.