Walong lugar lamang sa buong bansa ang nakasailalim sa granular lockdown.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año posible pa itong dumami dahil dumarami ang mga tinatamaan ng Covid-19.
Matatandaang hinikayat ng Malacañang ang mga lokal na pamahalaan na magpataw ng granular lockdown upang pigilan ang pagtaas ng bilang ng kaso ng naturang virus. —sa panulat ni Airiam Sancho