Nilinaw ng National Democratic Front of the Philippines na hindi miyembro ng New People’s Army ang walong lumad na napatay sa pakikipag-bakbakan sa mga sundalo sa boundary ng South Cotabato at Sultan Kudarat Provinces, noong linggo.
Ayon kay Efren Aksasato, spokesperson ng N.D.F.P.-Far South Mindanao Region, ang mga napatay sa Bagumbayan, South Cotabato ay kabilang sa T’boli-Manobo S’daf Claimants Organization, isang grupo ng mga lumad na nakikipaglaban para sa kanilang ancestral land.
Mariin anyang kinukundena ng NDFP-FSMR ang karumal-dumal na krimen na ginawa ng militar laban sa walang kalaban-laban na mga sibilyan.
Gayunman, nanindigan si Lt. Col. Benjamin Leander, commander ng 27th infantry battalion na isang grupo na pinangungunahan ng Manobo Chieftain na si Datu Victor Danyan na leader umano ng isang militia na kaalyado ng NPA ang nagpaputok sa mga sundalo.
Nagresulta rin ito sa pagkasawi ng dalawang sundalo dahilan naman upang tumakbo ang mga rebelde patungong Bagumbayan kung saan nakasagupa nila ang mga miyembro ng 33rd I.B.