Nakitaan ng OCTA Research Group ng downtrend sa mga kaso ng COVID-19 ang 8 highly urbanized na lungsod sa Luzon.
Ayon kay OCTA Research Fellow Professor Dr. Guido David, kabilang sa mga nakitaan ng downtrend ang Angeles, Baguio City, Dagupan, Lucena, Naga City, Olongapo, Puerto Princesa, at Santiago.
Bukod pa dito, na-obserbahan din ng OCTA ang patuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa partikular na sa Metro Manila.
Sa kabila ng pagbuti ng sitwasyon sa bansa, pinayuhan ni David ang publiko na patuloy na sundin ang health and safety protocols upang maiwasan ang pagbalitad ng trend. —sa panulat ni Angelica Doctolero