Inaasahang mapapasakamay ng Pilipinas sa katapusan ng Mayo ang halos walong milyong doses ng COVID-19 vaccine ng Bharat Biotech ng India.
Ayon ito kay Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing, Jr. na nagsabi ring ang mga nasabing dose ng bakuna ay una nang in-order ng local government units at pribadong sektor.
Ipinabatid ni Bagatsing na murang mura ang pagkakabili sa nasabing bakuna ng India na nagkakahalaga ng 15 hanggang 20 dollars kada dose.
Una nang nag-isyu ng emergency use authorization (EUA) ang FDA sa nasabing bakuna ng Bharat Biotech na tinatawag na Covaxin at sinasabing ang efficacy rate ay nasa 92% hanggang 95%.
Samantala inihayag ni Bagatsing na ang 30 million doses ng Novavax, bakuna ng Serum Institute ng India ay maide-deliver sa huling bahagi ng taong ito.