Nailigtas ang walong mag-anak matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa karagatan ng Nasugbu, Batangas.
Ayon kay Nasugbu MDRRMO Head Alex Pimentel, galing sa Bataan ang mga pasahero na patungo sa Lian, Batangas para sa Christmas Party nang biglang alunin ang bangka.
Tumuloy pa rin anya bumiyahe ang bangka kahit may gale warning na ang Philippine Coast Guard.
Kinilala ang walo na sina Allan Jordan, 62; June Mojica, 50; Aillen Corsiga, 32; Marvin Taregon, 31; Jaderick, 16; Arvin Taregon, 12; Aivy Miles Taregon, 9, at Arianne Taregon, 7.
Agad nagsagawa ng rescue operations katuwang ang mga residente ng Sitio Iba sa Barangay Payapa nang makitang lumulutang ang mga biktima.—sa panulat ni Jenn Patrolla