Nakahandang humarap ang walong mahistrado ng Korte Suprema sa pagdinig ng Kamara hinggil sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon ito kay House Justice Committee Reynaldo Umali, kung kaya dapat nang mag-isip-isip ang Punong Mahistrado dahil ang nasabing bilang ay nangangahulugang mayorya ng mga miyembro ng Mataas na Kukuman ang nais magsalita laban sa kanya.
Matatandaang una nang humarap sa pagdinig ng komite sina Associate Justices Teresita Leonardo-De Castro, Francis Jardeleza at Noel Tijam.
Nakatakda namang ipagpatuloy ng Kamara ang hearing sa impeachment ni Sereno sa Enero ng susunod na taon.
—-