Ipinasara ng Commission on Higher Education (CHED) ang 8 sa 83 maritime school sa bansa dahil sa kabiguang makasunod sa panuntunan ng European Maritime Safety Agency (EMSA) at iba pang ahensya.
Paliwanag naman ni Cindy Benitez-Jaro, Executive Director ng CHED, na sumusunod lamang ito sa EMSA ngunit madalas ay nag-aamyenda pa rin ito ng international standard.
Mababatid na nagpatupad sila ng limang-taong moratorium para sa pagbubukas ng panibagong maritime curriculum upang matugunan ang pagkukulang na pinuna ng EMSA.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Jaro na mahigpit na ang EMSA sa pagpapatrupad ng Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW) mula pa noong 2006. —sa panulat ni Hannah Oledan