Walong (8) regional directors at limampu’t tatlong (53) iba pang empleyado ang napilitang umalis sa kanilang trabaho bunsod ng crackdown ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa katiwalian.
Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, karamihan sa mga naturang kawani ay nag-resign habang ang iba ay nagretiro at nasuspinde matapos ang isinagawang internal audit ng ahensya.
Kabilang sa mga natuklasang anomalya sa LTFRB ay ang pag-iisyu ng mga pekeng desisyon sa prangkisa kaya’t ikinasa ang internal cleansing.
Isiniwalat ni Lizada na nagbabayad ang mga bus operator ng mula P300,000 hanggang P500,00 para sa mga pekeng prangkisa habang mula P60,000 hanggang P200,000 naman para sa taxi at public utility vehicle.
By Jelbert Perdez