Nagpositibo sa COVID-19 ang walong medical personnel ng Rep. Pedro G. Trono Memorial District Hospital sa Guimbal, Iloilo.
Ayon kay Dr. Cynthia Cabangal-Ng, head ng provincial hospital management office, isinagawa ang RT-PCR test sa mga tauhan nuong weekend.
Ang mga nagpositibo ay kinabibilangan ng mga medical technologist at laboratory aide na nagta-trabaho sa laboratoryo ng nasabing ospital.
Asymptomatic umano ang mga ito ngunit nananatili pa rin sa quarantine facility sa nasabing bayan.