Patay ang walong menor de edad matapos bumulusok sa kanal ang kanilang sinasakyan sa Northern Egypt.
Ayon sa mga otoridad, papunta sana sa kanilang trabaho ang mga biktimang may edad 12 hanggang 15 para manguha ng mga patatas sa bukid nang maganap ang aksidente.
Nabatid na nagtatrabaho ang mga kabataan kasabay ng kanilang pag-aaral upang makatulong sa kanilang pamilya dahil sa hirap ng kanilang buhay.
Ayon sa Egypt Government, base sa batas na kanilang ipinatutupad, pinahihintulutang makapagtrabaho ang mga menor de edad sa kanilang lugar.
Sa ngayon, patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad habang inaalam narin kung sino ang responsable sa naganap na aksidente.