Sumuko sa mga tauhan ng Philippine Marines ang walong (8) miyembro ng Maute Terrorist Group sa kasagsagan ng opensiba laban sa grupo sa Marawi City.
Ayon kay Brig. General Custodio Parcon, Commander ng 2nd Marine Brigade at Joint Task Force Tiger, kaya sumuko ang 8 terorista ay dahil wala na silang kakayahan pang lumaban sa tropa ng pamahalaan.
Kasalukuyang hawak ngayon ng Marines ang operasyon sa bahagi ng Barangay Mapandi sa nasabing lungsod kung saan, nasa 50 terorista pa ang kanilang hinahabol.
Inilarawan pa ni General Parcon ang kanilang laban sa mga terorista na sporadic dahil tumatakbo ang kanilang mga kalaban kaya’t maingat sila sa pagpasok sa mga gusali upang maiwasang mapintakasi sila ng mga terorsita.
By Jaymark Dagala
8 miyembro ng Maute Terror Group sumuko sa Marines was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882