Positibo ang walong miyembro ng Tokyo olympics torch relay sa Kagoshima, Japan.
Ang mga naturang miyembro na nagpositibo sa sakit ay responsable sa pagkontrol ng traffic sa nasabing bansa.
Ayon sa mga otoridad, ang tatlo sa kanila ay nasa lungsod ng amami, at ang ilan naman ay nagtatrabaho sa Kirishima City.
Bagama’t nakasuot ng mga mask ang mga ito ay dinapuan pa rin ng virus.
Samantala, posibleng closed doors o walang audience ang gaganaping 2021 Tokyo Olympics.
Habang magkakaroon pa ng pagpupulong para sa mga manunuod na domestic fans sa naturang olympics sa darating na buwan ng Hunyo.—sa panulat ni Rashid Locsin