Patay ang walong sibilyan habang sugatan ang 13 iba pa sa panibagong karahasan sa Hodeidah, Yemen.
Ayon kay Yemeni Information Minister Moammar al-Eryani, kagagawan ng mga Houthi rebels ang malagim na pag-atake.
Samantala, muli namang nanawagan ang United Nations (UN) para sa panibagong tigil-putukan sa lugar bunsod ng bakbakan sa pagitan ng military coalition ng Saudi Arabia at Houthi fighters na suportado naman ng Iran.