Napauwi na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang walong Pilipinong biktima ng human trafficking sa Syria.
Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola, ang mga repatriates ay sasailalim sa facility-based quarantine ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.
Bukod dito, sasalang din sa RT-PCR o swab testing ang mga ito sa ika-pitong araw ng kanilang quarantine.
Samantala, nangako naman si Arriola na gagawin nila ang lahat upang matulungan ang mga kababayan nating stranded pa rin hanggang ngayon sa ibayong dagat.