Ligtas na nakauwi ng Pilipinas ang walong Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa bansang Laos sa tulong ng Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA).
Ito’y matapos ang panawagan ng mga OFW na biktima ng illegal recruitment sa nabanggit na bansa.
Nabatid na nakalabas ng bansa ang mga biktima dahil umano sa kasabwat ng recuiter ang mga tauhan sa loob ng Bureau of Immigration.
Ayon sa mga OFWs, pinangakuan sila ng recuiter na magkakaroon ng maayos na trabaho, malaking sahod, libreng pabahay at pagkain pero hindi umano ito nangyari.
Bukod pa dito, dinala din sila sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia at pinasok bilang mga scammer sa mga negosyong pinapatakbo ng tinatawag na “Golden Triangle” syndicate.
Sa ngayon target umano ng DMW na mapabilang ang mga nabanggit na OFWs sa Reintegration Program ng pamahalaan.