Sibak ang 8 opisyal ng Bureau of Customs matapos bigong maabot ang kanilang target collection.
Subalit ayon kay Finance Assistant Secretary Danielle Marie Rieza na hindi ang bigong target collection ang pangunahing dahilan nang pagsibak sa mga opisyal kundi ang kakulangan na ng pondo ng ORAM o Office of Revenue Agency Modernization.
Ang mga retriadong sundalo na nasibak ay pawang project managers ng ORAM na naitalaga lamang bilang port collectors sa BOC.
Gayunman, sa kabila ng kakulangan ng pondo, inamin ni Rieza na may isa pang dating opisyal ng militar na natitira sa posisyon bilang port collector ng Port of Davao.
Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means, lumabas na ang dating port collector sa Batangas at Cebu lamang na pawang dating opisyal ng militar ang nakatamo ng target collection.
By Judith Larino