Sasampahan ng kaso ni House Minority Floor Leader Rodolfo Farinas ang walong (8) miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Ilocos Norte.
Ito ay matapos na ideklara ang mambabatas bilang persona non-grata sa Ilocos Norte.
Giit ni Fariñas, walang karapatan ang Sanggunian na ideklara siyang persona non-grata dahil siya ay inihalal at kinatawan ng lalawigan.
Aniya, isinasagawa lamang ito para sa diplomatic relations partikular sa mga dayuhan.
Matatandaang, ipinalabas ng Sangguniang Panlalawigan ng Ilocos Norte ang nasabing resolusyon matapos na ikulong sa Batasan Complex ang anim (6) na opisyal ng nasabing lalawigan.
By: Krista De Dios | With Report from Jill Resontoc
8 opisyal ng gobyerno sa Ilocos Norte sasampahan ng kaso ni Rep. Fariñas was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882