Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang walong overstaying foreigners sa Metro Manila at umano’y pawang miyembro ng isang drug syndicate.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang mga nasabing dayuhan ay inaresto ng BI Fugitive Search Unit katuwang ang NBI Special Action Unit sa Las Piñas at Makati City.
Sinabi ni Morente na sasailalim muna ang dalawang Yemeni Nationals, tatlong Sudaness at isang Djibouti, Sri Lankan at Kyrgyzstani Nationals sa deportation procedures dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs.
Kakasuhan aniya ang mga naturang dayuhan at kung mako-convict, tatapusin muna nila ang sentensya sa bansa bago sila pabalikin sa kani kanilang mga bansa.