Walong (8) bagyo pa ang inaasahang papasok sa bansa ngayong taon.
Ayon kay Engr. Oscar Tabada, direktor ng PAGASA-Visayas, posibleng may papasok na bagyo sa Philippine Area of Responsibility o PAR sa susunod na linggo.
Sakaling pumasok ng PAR, papangalanan itong “Helen” na pang-walong bagyo kasunod nina “Ambo,” “Butchoy,” “Carina,” “Dindo,” “Enteng,” “Ferdie” at “Gener.”
Ibinabala naman ni Tabada na kung walang masyadong naging epekto ang mga nagdaang bagyo ay maaaring direktang tatama sa bansa ang mga susunod na batch ng mga bagyo.
Aniya, mas nagiging malamig din ang hangin dahil sa transition ng hanging habagat patungo sa hanging amihan.
Habagat
Asahan ang patuloy na pag-ulan sa southern Luzon ngayong araw.
Ayon sa PAGASA, ito ay bunsod pa umiiral pa ang southwest monsoon o habagat.
Samantala, ang Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon at CALABARZON ay makararanas naman ng maulap na papawirin na may kasamang mahina hanggang sa bahagyang pagulan at pagkidlat pagkulog.
Ang ibang bahagi naman ng bansa kabilang ang Metro Manila ay makakaranas naman ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm.
By Jelbert Perdez | Ralph Obina