Nakatakang ihatid ngayong araw sa kanilang pamilya ang 18 pang sundalong nasawi sa pagbagsak ng C-130 Hercules aircraft sa Sulu noong Hulyo a-4.
Ito’y ayon sa AFP ay matapos matukoy na sa tulong ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Pambansang Pulisya ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.
Kabilang sa mga pinakahuling nakilalang sundalo ay sina:
- TSg Nelson B. Hadjiri PA
- PFC Carlos D. Dapanas Jr PA
- PFC Keth Kane S. Alegarme PA
- PFC Marchi E. Bonzales PA
- PFC Philip Dante T. Camilosa PA
- Jay-ar V. Obenita PA
- Archie S. Barba PA
- Pvt .Carlos Jhun C. Paragua Jr. PA
Ayon pa sa AFP, naabisuhan na rin ang pamilya ng mga nasawi habang patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng 21 mula sa kabuuang 49 na nasawing mga sundalo. -–ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)