Patay ang walong indibidwal habang sugatan naman ang lima pa matapos sumiklab at masunog ang isang Mingtai Power Plant sa Northern Shanxi, sa probinsya ng China.
Ayon sa mga otoridad, naganap ang sunog sa bahay mismo ng isang empleyado kung saan patuloy pang inaalam kung ilan ang kabuuang apektado sa sumiklab na Power Plant.
Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan at inaalam ng mga otoridad kung ilan ang bilang ng mga resideng nasawi at nasugatan sa lugar. —sa panulat ni Angelica Doctolero