Walo ang nasawi habang sugatan ang 50 iba pa sa panibagong karahasan sa Afghanistan.
Ayon kay Interior Ministry Spokesman Tariq Arian, bigla na lamang sumabog ang isang car bomb sa Herat province na ikinasawi ng maraming tao.
Wala pang umaakong grupo sa nasabing pambobomba.