Patay ang walong indibidwal sa nangyaring pagsabog sa Mogadishu, Somalia.
Nabatid na isang bomba ang sumabog sa isang kotse at truck sa isang checkpoint na papunta sa entrance ng Presidential Palace sa nasabing lugar.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad sa pangunguna ni Police Spokesman Abdifatah Adam Hassan, siyam na indibidwal pa ang natagpuang sugatan sa pinangyarihang insidente.
Inako naman ng Al-Qaida na Militant Sunni Islamist Multi-National Terrorist Organization na may kaugnayan sa Al-Shabab Extremist Group ang responsibilidad sa pangyayari. —sa panulat ni Angelica Doctolero